"Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?"
sa bawat yapak ng bukas,
anino'y kayakap ng iyong bakas.
duyan nang iyong kahulugan
ang buhay na aking kulungan.
sa bawat sulyap sa kanluran
kasabay mga bulong ng ating kahapon.
mga namuong pangarap'y dumadampi
sa bawat luhang nananaghoy sa ngiti'y nakakubli.
tumitigil ang lahat ng katwiran
sa t'wing alaala'y sasaglit at ako'y hahagkan
at sa bawat hinaharap na hininga'y
kalungkuta't aninong tumatangis yayakapi't siyang aagapay.
:'(
2 comments:
as tears run down
as those last words
memories that drowns
"you don't know how much you mean to me"
"i love you hon"
these words that will forever be echoing through the journey.
im sorry too,
im really sorry
silence.
for a long pause.
darkness.
for your long absence..
empty.
for your stories now left me..
lost.
for our torn souls..
Post a Comment